poem

Wednesday, August 30, 2006

i have two hands

kung ang hilig mo ay mamboso
siguradong ang titi mo ay nakalobo
kung ang hilig mo naman ay magbate
sa banyo'y nagpapanggap kang tumatae...

Friday, August 25, 2006

EDSA

dito nagsimula ang panibagong paglaya
at dito rin nagka isa ang meron at wala
ngunit kung ihahantulad sa isang bula
ang lahat ng ingay ay nauwi sa wala...
(ang mahirap pa nito ay laging trapik dito)

Friday, August 18, 2006

payaso

mabuti pa ang maskara, naka-pirmis ang tawa
hindi katulad ng tao na malungkot ang hitsura
kaya mas gusto ko ang maging payaso
dahil naitatago ang tunay na damdamin ko

patay mahirap

kapag may maralitang namatay
marami kang makikitang nakikipag-lamay
pero karamihan dito ay iba ang pakay
kundi ang sakla, libreng kape at tinapay

boglayts

huwag palalampasin ang tibok ng puso
kapag kasi ito ang nabigo
pati ang titi mo ay hindi tatayo

Thursday, August 17, 2006

pag-ibig batya

huwag kang magtaka kung bigla akong mawala
dahil ang buhay ko ay inihantulad sa isang bula
pero alam kong ikaw ay matutuwa
sapagkat itinuring mo talaga akong wala

Thursday, August 10, 2006

iskinita 8

hindi si arcy, hindi si pareng ogie
hindi si ernie at hindi ang magagandang babae
iisa lang ang pakay ko sa pagpasyal sa looban nyo
ang maka inom ng malamig na serbesa habang naka upo sa bankito...

Wednesday, August 09, 2006

so what

nung ako ay bata, ito ang aking ginagawa
mamam meme oo papa
nung ako ay tumanda, ito na ang aking gawa
inom tulog kain tae sabay suka

Monday, August 07, 2006

ang sikreto ng mabuting samahan ng muslim at kristiano

ang muslim at kristiano'y maraming pinagtalunan
isa na rito ay ang laman ng koran
ngunit mayroong isang bagay na sila ay nagka isa
ito ay ang mga DVD na tinitinda nila

iskinita 7 (alay kay ernie)

naghatag ako ng pambili ng serbesa sa kanto
pagbalik ko, lahat ng lasenggo sa akin ay sumasaludo
ngunit nang ako ay mawalan ng trabaho
lahat ng kainuman ko ay biglang naglaho

Friday, August 04, 2006

I N A

SA MANIPIS KONG ISIP, AKING NAGISNAN
(Pare may toma ang tropa sama ka)
ISANG BABAENG DAPAT KONG IGALANG
(O.K. saan ang puwesto?)
SIYANG GUMABAY AT NAGTURO NG DAAN
(Pare juts para mamaya yan)
UPANG MAIWAS SA MGA KASALANAN
(Mababait po ang barkada ko inay...)

ARAW NA SINAKRIPISYO'Y HINDI NA MABILANG
(Putya ubos na naman ang allowance ko)
MGA PAGHIHIRAP KANYANG NILABANAN
(Kailangan ko po ang pera para sa project ko)
MAPABUTI LAMANG ITONG MUSMOS NA BATA
(Puede bang kalahati muna anak? Hindi pa nagbabayad yung nagpalaba sa akin)
NA MINAHAL NA MAGMULA NG INILUWA
(Pare inom tayo naka diskarte ako ng pera kay nanay)

WALANG HALAGA ANG PUWEDENG IPALIT
(Mr. Dela Cruz bakit laging mapula ang mata mo)
DITO SA INA, NA PUSO AY MARIKIT
(Wala po mam puyat lang po ako)
SINO MAN ANG SA KANYA'Y GUMIPIT
(Baka naman nagdra drugs ka?)
BUHAY KO MAN AY IPAGPAPALIT
(Hindi naman po mam)

SA AKING PAGLAKI'Y UNTI-UNTING NATUTUNAN
(Bok sama ka didiskarte tayo ng pera)
ANG HALAGA NG MAY ISANG MAGULANG
(kayo na lang baka mahuli tayo)
PAGSAPIT NG PANAHON KUNG SIYA'Y MATANDA NA
(Pare si Dela Cruz nakakulong, nahuling nang hold-up)
AKING PAGLILINGKURAN HANGGANG KAMATAYAN
(Ano si inay inatake sa puso?)