poem

Friday, September 29, 2006

iskinta 10

nang dumating ang bagyong si milenyo
biglang nilipad ang bubungan ng bahay ko
humingi ako ng tulong sa mga tambay sa kanto
ang solusyon nila ay mag inuman kami para ako maging kalmado...

Thursday, September 28, 2006

peks man

kung kaya mong magsinungaling sa sarili mo
hindi ako nagtataka na pati ako ay iyong naloko
ngunit isa lang ang laging nasa isip ko
ito ay ang kawalan ko ng tiwala sa iyo...

heaven and hell

huwag mong isisi ang lahat sa Diyos
dahil ikaw mismo ang hindi sumunod sa sampung utos...
ngunit may oras ka pa para magbago
upang mailayo ang sarili sa impyerno...

Saturday, September 16, 2006

Napintas ti balaymo

puede akong makisama at tumira sa bahay ng preso
huwag lang magkaroon ng kapitbahay na ingitero

ipon

kung ikaw ay nagsipag nung bata
ang buhay mo ngayon ay tamasa
pero kung ang inuna mo ay garnacha
estado ng buhay mo ay pababa...

nincoompoops

bakit mo ako tinatawag na bobo
dahil ba ang naabot ko lang ay grade two
samantalang ikaw na tapos ng abogasya
walang gustong gawin kundi lokohin ang masa...

talangka

hindi masusukat ang isang makata
sa dami ng tula na kanyang nagawa
ngunit masarap ang babaeng talangka
kung isasawsaw sa maanghang na suka...

Tuesday, September 12, 2006

abo

gaano man kalaki ang obitwaryo mo sa jaryo
iisa lang ang sisiguraduhin ko sayo
iiwanan mo lahat ang yaman mo sa mundo

Saturday, September 09, 2006

iskinita 9

dumating ang meralco, illegal connection ay nabuko
dumalaw ang pulis, mga snatcher ay nagtabuhan ng mabilis
ngunit nang dumaan ang tulak
ang lahat ay nagalak at pumalakpak