poem

Saturday, July 29, 2006

dalawa para sa masa

hindi puedeng pagsamahin ang bala at pulitika
dahil kapag ikaw ay kumontra
malamang ay sa sementeryo ka mapunta...

MAKI-KALABAW WAG MATAKOT
ITO ANG SIGAW NG MGA HAKOT
NGUNIT NANG SUMABOG ANG BOMBA SA SUPOT
TAKBUHAN KAYONG LAHAT HANGGANG SA MAUTOT

sige ka

bakit ka ba nagrereklamo sa hirap ng buhay mo
papipiliin kita...ano ba ang gusto mo
buhay kang nakikipag-sapalaran sa mundo
o mabasa mo ang sarili sa obitwaryo?

Monday, July 24, 2006

metrocom ini

sa speech ni gloria
may sumang-ayon at may kumontra
mga raliyista sa kalsada isa isang sinona

ulol

malakas kang uminon at matakaw sa pulutan
pag nagkuwento ka ay saksakan ng yabang
ngunit kapag naubos na ang alak na ating nilalak-lakan
kahit singkong duling ay hindi ka makuhanan...

media

kung baril at yaman ang panakot mo sa tao
lapis naman ang ipanglalaban ko sa iyo...

Sunday, July 23, 2006

iskinita 6

araw ng linggo maraming istambay sa kanto
masama ang gising ni mang berto sinipa ang aso
kinagabihan... nakaburol si mang berto
may aso pang pulutan ang mga istambay sa kanto

Thursday, July 20, 2006

gitara

nanaginip akong magaling sa gitara
mabilis ang daliri at magaling tumipa
ngunit pag gising ko
gitara'y di ko maitono

iskinita 5

mamang nag-amok
inulan ng suntok
nanay na umawat
nabaril ng swat

solb

isinalin sa baso
nilagyan ng yelo
nilagyan ng kaunting pomelo
at tinungga ko ito
pagkatapos...tumbalelong ako sa bankito

Sunday, July 16, 2006

supot na supot

dinayo si pedro at uminom ng todo
pinasyalan si juan at nasagad sa inuman
ng dumating ang kanyang kaarawan
siya ay nagkulong sa tahanan...

Saturday, July 15, 2006

what happened?

naglalakad si nene sa iskinita
nasalubong ang mga barkada
niyaya siyang pumunta sa ermita
nag erbukan hangang sa mataranta
nang magkamalay...na rape na sya ng isang puting agila

Friday, July 14, 2006

tinapa

puwedeng isama sa munggo
masarap isawsaw sa buro
pero para sa akin
pulutan ko ito

iskinita 4

malakas ang ulan
bumaha sa labasan
tumulo ang kisame
nabasa ang higaan
nilisan ni mang juan ang tirahan
at lumaklak ng alak sa tindahan

Thursday, July 13, 2006

serbesa

binasag ang alkansya
binutas ang banyera
umihi sa kalsada...
dahil napa sobra sa ininom na serbesa

Friday, July 07, 2006

tsismis

alam mo bang si ano ay kumabit kay ano
kaya ang ano nila ay nagka ano ano
pati tuloy si ano ay nagpaka ano
iniwanan ang mga ano nila at nagpunta na lang sa ano

gutom

pumikit ako at pinaglaro ang isipan
nangarap at nagpanggap na mayaman
ngunit pag dilat ko ay akin pa ring napag masdan
ang pinggan sa hapag kainan ay wala pa ring laman

iskinita 3

isang pares ng sinelas iniwan sa labas
pagkalabas wala na ang sinelas...

lasenggo

mamang lasing natapilok
dala dalang kutsilyo sa dibdib tumusok...

iskinita 2

mga kabataan...nagkakatuwaan
biglang dumating ang isang kaibigan
maya maya ay nagpasukan
sa isang maliit na puwestuhan...

iskinita

maliit ang daan
maraming nag iinuman
biglang nagsaksakan...
kinabukasan...mahaba habang kwentuhan