poem

Saturday, November 10, 2007

mariannet

Bata Bata ano ang iyong ginagawa
Ikaw ba ay sumusulat ng tala-arawan o isang magarang tula
Ngunit bakit ang sulatan mong papel ay maraming luha
Dahil ba kumakalam na naman ang iyung sikmura?

Sunday, November 04, 2007

iskinita 12

Siniraan ni Pedro si Juan
Kinaliwa ni Joan si Arman
Pero nung dumating ang hapunan
Sila sila din ang nag-iinuman...

undas

Kandila ay inilabas
Bulaklak ay pinitas
Tumungo sa pantiyon
Uminom maghapon