poem

Saturday, December 15, 2007

ninong at ninang

nakahanda na ang barya at malutong na pera
ibinalot na regalo ay isa isang inihilera
umupo sa harap ng balkonahe at naghintay na
sa pagdating ng mga inaanak na mukhang pera

simbang gabi

relo'y pinaalarma
bagong damit ay ipinorma
panay ang sulyap sa dalaga
at nagpakabondat sa bibingka

lamig at lungkot

dama na ang simoy ng pasko
kaya't ang mga tao ay litong lito
saan kaya kukuha ng pang abono
para mairaos ng maayos ang Pasko