poem

Saturday, December 26, 2009

paskong loko

Balot na ang regalo at handa na ang aginaldo
Plantsado na ang polo at maong ko
Isa na lang ang tanong sa sarili ko
Uuwi kaya ako sa tunay na asawa ko...

Sunday, March 29, 2009

caybora

mainit na buhangin, malamig na inumin
reggae ang tugtugin, pinoy rock ang damdamin...

Saturday, January 10, 2009

disyimbri

madaling dumilim, malamig ang hangin
maraming pulutan, bitin sa inumin...

Tuesday, March 18, 2008

kuwaresma

inilabas ang bibliya
sinimulan ang pabasa
uminon ng serbesa
sumuka sa bibliya...

miyerkules-naglakad paluhod sa quiapo
huwebes-hindi uminom ng alak
biyernes-sumama sa prosisyon
sabado-sumilip sa simbahan
linggo-tumaya ng winner take all sa karera

Sunday, March 02, 2008

jingle

gumawa ka ng mabuti
gumawa ka ng mali
isa lang ang sigurado ko
ihi ka ng ihi

Wednesday, January 02, 2008

paghihiwalay ng taon 2007 circa

Ang mga paputok ko ay handa na
malamig na rin ang aking serbesa
malapit na ring maluto ang crispy pata
ilang oras na lang ay bagong taon na...

Habang nilalantakan ang crispy pata
ay pinanay panay ko naman ang lagok sa serbesa...
Kumuha ako ng paputok para magsindi ng isa...
Nung magising ako sa ospital, bagong taon na pala...

Saturday, December 15, 2007

ninong at ninang

nakahanda na ang barya at malutong na pera
ibinalot na regalo ay isa isang inihilera
umupo sa harap ng balkonahe at naghintay na
sa pagdating ng mga inaanak na mukhang pera

simbang gabi

relo'y pinaalarma
bagong damit ay ipinorma
panay ang sulyap sa dalaga
at nagpakabondat sa bibingka

lamig at lungkot

dama na ang simoy ng pasko
kaya't ang mga tao ay litong lito
saan kaya kukuha ng pang abono
para mairaos ng maayos ang Pasko

Saturday, November 10, 2007

mariannet

Bata Bata ano ang iyong ginagawa
Ikaw ba ay sumusulat ng tala-arawan o isang magarang tula
Ngunit bakit ang sulatan mong papel ay maraming luha
Dahil ba kumakalam na naman ang iyung sikmura?

Sunday, November 04, 2007

iskinita 12

Siniraan ni Pedro si Juan
Kinaliwa ni Joan si Arman
Pero nung dumating ang hapunan
Sila sila din ang nag-iinuman...

undas

Kandila ay inilabas
Bulaklak ay pinitas
Tumungo sa pantiyon
Uminom maghapon

Saturday, August 25, 2007

chong que

hinimay at ibinalot
sinindihan at siningot
naubo sa dami ng usok
pagkatapos sabog

Sunday, June 24, 2007

Si Lando

Si Lando, marunong na tao
Kaibigan ko, batang Kankaloo
Nahilig sa bisyo, naloko sa bato
Ngayon si Lando ay wasted na tao...

Monday, April 23, 2007

botante

kinamayan ako ng kandidato
pina-inom ng alak hanggang mahilo
bukas sa presinto
siya'y aking iboboto

eleksyon

nagpalista para kandidato
kinamayan ang mga tao
sa eleksyon ay nanalo
pero laging tulog sa senado

Saturday, March 17, 2007

Politiko

Gustong tumulong
Gustong maglingkod
Pero kapag nanalo
Puro kurakot

Friday, December 22, 2006

pasko

Mayroon kang hamon at mayroon kang keso
may laman ang ref nyo ng ubas, kahel at mansanillo
ngunit alam mo ba kung bakit may pasko?
para ipaalam na isinilang na si kristo...

Saturday, November 04, 2006

hipokrito

kung tumingin ka ay diretso
mga salita mo ay nakakaingganyo
pero magkaiba ang sinasabi mo sa mga ikinikilos mo...

iskinita 11

sa kahimbingan ng tulog ko
ako ay naalimpungatan sa bulungan ng kabataan
nang aking silipin...
sila pala ay nagbabatbatan

Saturday, October 21, 2006

tigas

kung sa kalsada ay tinagurian kang astig
dito sa inuman ikaw lang ang taga gawa ng sisig...

Friday, September 29, 2006

iskinta 10

nang dumating ang bagyong si milenyo
biglang nilipad ang bubungan ng bahay ko
humingi ako ng tulong sa mga tambay sa kanto
ang solusyon nila ay mag inuman kami para ako maging kalmado...

Thursday, September 28, 2006

peks man

kung kaya mong magsinungaling sa sarili mo
hindi ako nagtataka na pati ako ay iyong naloko
ngunit isa lang ang laging nasa isip ko
ito ay ang kawalan ko ng tiwala sa iyo...

heaven and hell

huwag mong isisi ang lahat sa Diyos
dahil ikaw mismo ang hindi sumunod sa sampung utos...
ngunit may oras ka pa para magbago
upang mailayo ang sarili sa impyerno...

Saturday, September 16, 2006

Napintas ti balaymo

puede akong makisama at tumira sa bahay ng preso
huwag lang magkaroon ng kapitbahay na ingitero